Jericho, naka-chika sila Tom Holland at Matt Damon

Ultimate fanboy moment si Jericho Rosales nang dumalo sa premiere ng pelikulang The Odyssey sa Mumbai, India. Nakita niya roon in person ang mga bida nito na sina Tom Holland at Matt Damon.
Nag-post si Jericho sa Instagram page niya ng mga larawan at video ng kanyang karanasan sa nasabing star-studded premiere.
Kabilang sa mga ipinost niya ay ang mga kuha niya habang nasa sa red carpet, mga close-up photos nina Tom Holland, Matt Damon, at British and American filmmaker Christopher Nolan, pati na rin ang isang picture kung saan makikitang pumupirma ng authograph si Matt Damon habang parang kinakausap siya.
Aniya sa caption : “The mission was easy. Walk. Talk. Get photos taken.
“It was the autographed Muji notepad that killed me for a minute there.
“I feel so alive Coming home with great stories.
“Thank you, @universalpicturesph for sending me to India for @theodysseymovie’s #TheOdysseyMumbaiPremiere!
“What a memorable journey”
Dinagsa ito ng maraming comment kabilang na ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez. “Sooooo cool babu!!!!!!!
“Deserve!!”
- Latest
























