Sparkle artists, bibida sa Canada at Australia!

Nagbabalik ang Sparkle World Tour ngayong 2026 na may mas pinalaking lineup, sa mga komunidad ng mga Pilipino sa Canada at Australia.
Iipinagpapatuloy nga ng Sparkle ang misyon nitong makapagbigay ng de-kalidad na live entertainment sa Kapuso fans at mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa.
Magsisimula ang Sparkle World Tour 2026 sa Toronto, Canada, kung saan pangungunahan ng mga Sparkle artist ang Taste of Manila sa Aug. 15–16 sa Wilson Ave. at Bathurst St. tampok sina Miguel Tanfelix, Jillian Ward, Shuvee Etrata, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Jessica Villarubin at Beki Velo.
Magpapatuloy ang kasiyahan sa Calgary sa paglahok ng Sparkle sa Fiesta Filipino 2026 mula Sept. 4–7 sa Eau Claire Plaza kung saan magpapamalas sina Rochelle Pangilinan, Paul Salas at Shuvee Etrata ng kanilang natatanging talento sa isa sa pinakamalalaking Filipino cultural festivals sa Canada. Layunin din nitong lalo pang patibayin ang ugnayan ng Pilipinas at ng Filipino-Canadian community.
Magtatapos ang Sparkle World Tour sa Australia ngayong Nobyembre sa pangunguna ng comedy icon na si AiAi delas Alas sa kanyang inaabangang Tanging Ina Mo Tour. Bibisitahin ng tour ang Sydney (Nov. 20), Canberra (Nov. 21), Brisbane (Nov. 27), at Melbourne (Nov. 28), kung saan ihahatid ni AiAi ang kanyang natatanging katatawanan at masiglang pagtatanghal sa mga Pilipinong naninirahan sa Australia.
Matapos patunayan na walang hangganan ang talento ng mga Pilipino, nakatakdang lumikha ang Sparkle World Tour 2026 ng mas marami pang hindi malilimutang alaala, habang dinadala nito ang init ng tahanan, saya at diwang Pilipino sa ating mga kababayan saan mang panig ng mundo.
Ang tour ay hatid ng Sparkle GMA Artist Center katuwang ang Taste of Manila, Fiesta Filipino, StarShine Entertainment Production at GMA Pinoy TV.
- Latest
























