True ba? MVP, major investor na raw sa ABS-CBN?!

Walang kumpirmasyon pero ang lakas ng bulungan na diumano’y major investor na si Mr. Manny Pangilinan sa ABS-CBN.
Ilan na ang nagsasabi nito bagama’t walang official statement ang ABS-CBN o ang TV5 tungkol dito.
At ang bagong anggulo, diumano’y magsososyo ang dalawang bilyonaryong sina Mr. Pangilinan na kilalang MVP at si Mr. Ramon Ang or RSA sa pag-take over sa ABS-CBN.
Ito ay matapos dumalo ang huli sa inihandang birthday surprise ng programang Vibe na pormal nang inilunsad noong Sabado bilang Vibe+ na mas pinalawak na ang coverage, pwede na ang mga kanta ng foreign artist.
Pinangunahan nga ni Enrique Gil ng A Secret in Prague ang nasabing birthday surprise celebration para sa boss ng TV5.
Anyway, wala namang sinasabi ang ABS-CBN tungkol sa usap-usapang ito.
Pero ang isang sigurado raw ay eere na ang malalaking programa ng TV5 sa Kapamilya Channel at ibang platforms at ganundin ang ABS-CBN shows sa TV5 at cable channel na pag-aari ng kumpanya ni Mr. Pangilinan.
Wala na talagang network war na masasabi sa kasalukuyan.
Bukod sa TV5 at Kapamilya Channel, napapanood na rin ang mga programa nila sa ALLTV.
Kaya’t nakakatuwang makita na nagsasama ang mga opisyal ng iba’t ibang TV network na hindi akalaing mangyayari.
- Latest























