^

Probinsiya

Grade 4 pinainom ng pampurga ng guro, tigok!

Christina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Grade 4 pinainom ng pampurga ng guro, tigok!
Satellite image shows Cavite.
Google Maps

TRECE MARTIRES CITY, Cavite , Philippines — Hustisya ang sigaw ng pamilya ng isang 8-anyos na Grade 4 pupil matapos painumin ng gamot na pampurga ng kanyang guro sa kanilang eskwe­lahan, dito sa lungsod, kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing mag-aaral na si Rex Mission,  Grade 4 pupil ng Hugo Perez Ele­mentary School Annex. at residente ng Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Ang deworming or purga ay isinasagawa upang matanggal ang bulate sa bituka ng tao.

Base sa panayam sa ina ng batang si Rex, Hulyo 2, 2026 nang magkaroon umano ng “libreng purga” sa eskwe­lahan na bahagi ng school deworming program.

Bagama’t pumirma sila sa waiver para sa naturang programa, nagtataka umano sila kung bakit ang mismong guro ang nagbigay ng gamot sa bata, gayong sa mga nakaraang taon ay ang mga magulang ang nagpapainom nito sa kanilang mga anak.

Pag-uwi umano ni Rex sa kanilang bahay ay agad na siyang dumaing ng matinding pananakit ng ulo at tiyan at paulit-ulit na pagsusuka.

Nang tanungin ng kanyang ina kung ano ang nangyari, sinabi umano ng bata na pinainom siya ng kanyang titser ng gamot na pampurga sa eskwe­lahan.

Mabilis ding tumaas ang lagnat ng biktima at nagdugo ang ilong nito. Kinabukasan, Hul­yo 3, 2026, ay tuluyan nang binawian ng buhay ang bata.

Sinisisi naman ng ina ng bata ang gurong nagpainom ng gamot sa kanyang anak, dahil ayon sa kanya, batid umano nitong may iniin­dang karamdaman si Rex ngunit itinuloy pa rin nito ang pagpapainom ng gamot pampurga.

Nanawagan din ang pamilya Mission kina NBI Director Melvin Matibag at Public Attorney’s Office chief Persida V. Rueda-Acosta, na magsagawa ng imbestigasyon at maisailalim sa autopsy ang labi ng bata upang matukoy ang tunay sanhi ng pagkamatay nito at mapanagot ang mapapatunayang nagkasala..

REX MISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with