^

Dr. Love

Nakakilala sa dating app ang gf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bagaman mabait, good looking, ok ang ugali ay may pag-aalinlangan pa rin ako sa girlfriend ko na nakilala ko sa dating app. Sa ngayon hindi ko pa masabi kung magkakatuluyan kami.

Sa palagay ko ganon din ang pakiwari niya sa akin. Paano po kaya mabubuo ang tiwala ko para sa kanya?

Fred

Dear Fred,

Isa sa mga kakatuwang senaryo ngayon sa maraming ay ang pagkakaroon ng relasyon sa tao na kung tutuusin ay hindi pa talaga nila kilala.

Kaya normal lang ‘yan nararamdaman mo. Dahil ang pagtitiwala ay hindi basta-basta nabubuo; kailangan ito ng oras, komunikasyon, at mga karanasang magpapatibay ng inyong relasyon.

Mas appropriate sana kung ginawa mo muna ang kilalanin siya nang mabuti bago ka nakipagrelasyon sa kanya.

Nang sa gayon ay hindi masayang ang invested time at maging ang feelings mo para sa kanya.  Pero pwede mo pa rin naman gawin ‘yan kahit mag-on na kayo.

Dalawin mo siya nang madalas sa kanilang bahay para makita mo kung anong klase  siya bilang anak, bilang kapatid sa kanyang pamilya at bilang kapitbahay sa kanilang komunidad.

Mas buksan mo ang komunikasyon ninyo. Pwede mo rin subukan ang magtanong-tanong kung anong klase siyang kaibigan sa inyong common friends.

Bigyan mo ng time na makapag-date kayo. Sigurado ako sa mga option na ito ay mas malalaman mo ang pagkatao ng girlfriend mo.

Kapag nasa malalim na istado ka na nang pagkakakilala sa kanya, doon na unti-unti mawawala ang pag-aalinlangan mo sa kanya o kaya’y mare-realize mo na hindi kayo swak.

Mahalagang tandaan na ang pagtitiwala ay partnership.

Hindi ito dapat pinipilit, pero pareho kayong may responsibilidad na pagtrabahuhan ito.

DR. LOVE

FRED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with