^

Pang Movies

Gong Yoo, bibisitahin ang ‘Pinas!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gong Yoo, bibisitahin ang ‘Pinas!
Gong Yoo

Darating sa bansa ang South Korean actor na si Gong Yoo na kilala at sikat sa Pinoy fans na adik sa K-drama.

Siya ang bida sa K-drama na Coffee Prince, Squid Games, Goblin at The Trunk. Bida rin siya sa hit Korean horror movie na Train to Busan.

Ang pagbisita ni Gong Yoo sa bansa ay kasama sa kanyang 2026 Asia Fanmeeting Tour na The Long Take. Wala pang ni-release na official date at venue kung saan gaganapin ang fanmeet ng South Korean actor na bibisita rin sa Jakarta, Yokohama, Bangkok at Macau.

Pinayuhan ang fans ni Gong Yoo na mag-ipon na para sa pambili ng tiket dahil siguradong mahal. Pero dahil maraming fans ang aktor, sigurado kaming gaano man kamahal ang tiket para siya ay makita, sold-out pa rin at mapupuno ang venue ng fanmeet.

May mga nagtatanong na kung magkikita raw ba sina Gong Yoo at Kim Atienza? Marami kasi ang nagsasabi na kamukha ni Kuya Kim si Gong Yoo at pabiro niya itong tinatanggap.

Pops, babalik sa pagko-concert

Back to concert si Pops Fernandez at ibinalita ito ni Noel Ferrer sa Instagram. “I am honored and thrilled to share that I will be writing the milestone Birthday and Anniversary Concert and Party for the Concert Queen @popsfernandezofficial before the year ends.

“We have both grown, evolved and learned to appreciate each other through the years, and that journey makes this even more meaningful.

“This celebration is more than a show. It is a milestone, it is friendship, it is a seal of trust. And I treasure it with all my heart. GO SENYORA PIPAY!!!”

May comment si Martin Nievera sa balitang ito, “Perfect writer for this fighter as her journey becomes tighter.”

Wala pa mang official date at venue ang concert ni Pops, marami na ang excited na muli siyang mapanood in her solo concert. Lately, puro guesting ang ginagawa niya gaya noong concert nina Ice Seguerra at Rob Deniel.

Samantala, hindi pa natanong si Pops tungkol sa statue niya sa Star City na inireklamo ng netizens. Ang sabi, inalis muna ang statue para ayusin para wala nang magreklamo.

Atasha, mas marami ang nagtanggol

Para matigil na ang mga maling kuwento kay Atasha Muhlach at sa pagbibida niya sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, inilabas ng Viva ang audition tape ni Atasha. Sa tape, mapapanood na sumayaw siya at kumanta pa.

Wala nang sinabi pang iba ang Viva, ipinakita na lang na taliwas sa lumabas, nag-audition si Atasha na kanyang pinaghandaan.

May mga patuloy pa rin ang pamba-bash kay Atasha at ipinipilit na nakuha niya ang role dahil favorite siya ng Viva at nepo baby siya. Mas marami nga lang ang sumusuporta at naniniwala sa kanya.

Comment na “We’re here for you alam namin na hindi mo papatulan ang mga basher do your best,” “We’re here for you and support you,” “Pay them no mind! You’re doing great. See you in September,” “Go go Atasha don’t mind the noise,” at “Go Tash! Wag pansinin mga bitter basher. Sabi nga ng dad mo, it’s not easy. Do your best. We will support you.”

 

 

GONG YOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with