^

Probinsiya

Grade 8 sinaksak, inuntog sa pader ng 50-anyos

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Sugatan ang isang Grade 8 student matapos na basta na lamang sugurin ng isang 50-anyos na lalaki at saksakin sa braso saka iniuntog pa ang ulo nito sa pader habang bumibili lamang ang biktima ng yelo sa isang tindahan, kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat, alas 10 ng gabi ng utusan ng ina nito ang biktimang si alyas “Drin”, 16-anyos, Grade 10 student, residente ng Brgy Maliksi 2 na bumili ng yelo sa tindahan.

Habang nasa tindahan ang biktima, bigla umanong sumulpot ang suspek na armado ng patalim at sinaksak sa braso ang biktima at inuntog pa nito ang ulo sa pader bago parang walang nangyaring bigla ring umalis.

Duguang umuwi ang biktima at nagsumbong sa ina nito na agad nagtungo sa kanilang barangay at humingi ng tulong.

Sa follow up ng Mobile Patrol Unit ng Bacoor City kasama ang ilang Barangay opisyal ng lugar, naaresto ang suspek sa Brgy Maliksi 2. Narekober dito ang isang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pagsaksak sa estudyante at 2-plastic sachet na naglalaman ng shabu.

BACOOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with