Kathryn, suki na sa Hong Kong

It’s a full-circle moment para sa tinaguriang Asian superstar na si Kathryn Bernardo dahil sa sunud-sunod na blessings na patuloy na dumarating sa kanya sa kabila ng kanilang paghihiwalay ng dating ka-loveteam at ex-boyfriend (of 11 years) niya na si Daniel Padilla.
Sa kasalukuyan ay karelasyon niya ang batang mayor ng Lucena na si Mark Alcala pero hindi tulad nung sila pa ni Daniel, nanatiling low-key ang relasyon nila ng pulitiko.
Nung 2022 ang huling TV series niya, 2 Good 2 Be True na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar at kung saan ay katambal pa niya ang ex na actor.
But four years later ay muling nagbabalik sa telebisyon si Kathryn sa pamamagitan ng Someone, Someday na pinagtatambalan nila sa unang pagkakataon ni James Reid na hiwalay na rin sa dati nitong ka-loveteam at dating kasintahan na si Nadine Lustre. Ito ay nakatakdang magsimula sa telebisyon on July 27, 2026 pero mauuna ng tatlong araw sa popular streaming platform na Netflix.
Pero bago ang bagong serye ni Kathryn, nauna nang in-unveil ang kanyang sariling wax figure last Thursday, July 9, 2026, na ginanap sa Glorietta, Makati City.
Mapapasama ito sa dinarayong Madame Tussauds Wax Museum in Hong Kong kung saan kabilang ang prominent personalities sa buong mundo at kapwa niya Filipino popular personalities tulad ng boxing icon na si Manny Pacquiao, ang dalawang Miss Universe tittle holders na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, actress-host, si Anne Curtis maging ang Broadway Diva na si Lea Salonga.
Maituturing nang panibagong milestone, suot ng ‘twin’ wax figure ni Kathryn ang gown niya nung September 2023 nang kanyang tanggapin ang Outstanding Asian Star Award mula sa Seoul International Drama Awards in South Korea.
Walang reklamo si Kathryn sa wax figure niya na nakatakdang i-display sa Madame Tussauds – Hong Kong dahil perfect umano ang pagkakagawa nito at sinunod ang lahat ng bawat detalye ng kanyang look.
Hong Kong holds a special place sa puso ni Kathryn dahil doon sila nag-shoot ng halos isang buwan para sa pelikulang Hello, Love, Goodye na pinagtambalan nila ni Alden Richards at pinamahalaan ni Cathy Garcia-Sampana.
John at Priscilla, magkasama ‘pag sa anak
Sa kabila ng paghihiwalay ng mag-asawang John Estrada at ng Brazilian former beauty queen na si Priscilla Meirelles, nanatiling bukas ang komunikasyon ng dating couple if only for their 14-year-old daughter na si Anechka.
Sa isang recent post ng actor na si John, ibinahagi nito ang photos na kasama niya ang kanyang teenage daughter na si Anechka. “There’s nothing my kids could ever do that would make me love them any less (with matching three heart emojis),” mensahe ng post ni John.
Kapag may special events si Anechka ay present pareho sina John at Priscilla.
- Latest

























