^

Police Metro

Kasaysayan ng Batanes, ‘di mababago ng naratibo — Goitia

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi kayang burahin ng mga naratibo ng ilang estudyanteng iskolar ng Tsina na sakop ng kanilang bansa ang Batanes.

“Hindi naging bahagi ng Pilipinas ang Batanes dahil lamang sa isang deklarasyon. Naging bahagi ito ng bansa sa parehong paraan na naging bahagi ng Pilipinas ang bawat lalawigan sa pamamagitan ng mga salinlahing namuhay rito, nagpalaki ng kanilang mga pamilya, at bumoto bilang? mga mamamayan ng Republika ng Pilipinas” wika ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.

Nababahala si Goitia sa mga pagtatangkang baluktutin ang katotohanan sa pamamagitan ng mga naratibong paulit-ulit na pawang kasinungalingan na maaaring humubog sa pananaw ng daigdig.

Ang pag-aangkin ng ilang iskolar na Tsino na bahagi ng Tsina ang Batanes ay hindi katanggap-tanggap, at ang pananaliksik ay bukas, subalit hindi dapat pili lang sa pagbasa sa kasaysayan upang pagdudahan ang soberanya ng ibang bansa.

May mga nagsasabing mas malapit ang Batanes sa Taiwan, na may ugnayang pangkultura ang mga Ivatan at Tao, o na may mga lumang mapa na sumusuporta sa ibang pananaw.

Maaari itong pagtalunan sa akademya, ngunit hindi nito mababago ang katotohanang ang Batanes ay matagal nang bahagi ng Pilipinas.

Pinuri niya rin ang administrasyong Marcos at matapang na paninindigan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Department of National? Defense, Department of Foreign Affairs, at ng mga lingkod-bayan para sa teritoryo ng bansa.

ISKOLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with