Theater actress, dumepensa rin kay Atasha!
Hindi na lang sina director Chris Millado at Melvin Lee, Philippine Educational Theater Association (PETA) president, ang nagpatunay na nag-audition sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical si Atasha Muhlach. Kabilang ang theater actress na si Gimbey Dela Cruz sa nagpatunay na nag-audition si Atasha.
Sabi nito, “I was at that callback. It was a Friday. She was there. Baka di nya lang namukhaan. Si ate naman nagcreate ng issue bigla.”
Mixed reaction pa rin ang netizens sa post na ito ni Gimbey, may mga ayaw pa ring maniwalang nag-audition si Atasha kahit naglapag na ng ebidensya ang PETA at si director Chris. Marami rin ang dumepensa kay Atasha at sabi ng isa, “Well, si Atasha ang gusto ng management, business is business. It’s a big production at may fans si Atasha. So deal with it.”
Tama rin ang post ng isa pang netizen na “Producer nag-decide sinong gaganap, kahit mag opinion pa kayo dyan.” “What’s the big deal. Let Atasha show her talent!” at “May manonood naman ba kung ilalagay dyan ‘yung mga manok nyo? Hayaan niyo na ang production sa gusto nila, pera nila ‘yan.”
May nagtanong kung ano ang role ng auditionee na si Rachel Libres na nag-post na hindi niya nakita si Atasha sa audition. May nag-suggest pa na tigbakin na lang ito sa cast, gumawa raw ng isyu.
PBB, magbubukas na sa bagong bahay!
Hindi pa rin pala tapos ang collab ng ABS-CBN at GMA sa Pinoy Big Brother (PBB) dahil sila rin ang magka-collab sa bagong regular season ng PBB. Wala pang detalye kung kailan ang regular season, pero tuloy na ito.
May nagtanong kung bakit hindi na lang celebrity audition ang gawin dahil marami pang Star Magic at Sparkle artists ang dapat i-introduce para sumikat. Magandang venue raw ang PBB para makilala, lalo na ang bagong talents ng Star Magic at Sparkle.
May Kapamilya fans na ayaw nang mag-collab ang ABS-CBN at GMA, kaya naman daw ng ABS-CBN kahit wala ang GMA.
May nag-comment naman na dapat sa TV5 makipag-collab ang ABS-CBN para makilala ang Kapatid stars lalo na ‘yung Star Worx talents.
Sa bagong regular season ng PBB, sa bagong Bahay Ni Kuya na papasok at titira ng ilang buwan ang housemates. Hindi pa sinasabi kung saan ang bagong Bahay ni Kuya at isa ito sa ikinae-excite ng fans.
Zsa Zsa, pinasalamatan ni Eric
Death anniversary ng Comedy King na si Dolphy kahapon, July 10, at hindi nakalimutan ni Zsa Zsa Padilla na alalahanin siya.
Binisita nito ang puntod ni Dolphy, may dalang bulaklak at may heartwarming message.
“Even after fourteen years, your memory is woven into every single day. We miss you so much and carry you in our hearts, always hoping you are at peace.”
Sa hashtag, nakasulat ang “14thDeathAnniversary” na ibig sabihin, 14 years nang namayapa ang ating Comedy King.
Mababasa ang comment ni Eric Quizon na “Thank you, Zsa!” Laging nagpapasalamat si Eric kay Zsa Zsa dahil hindi talaga ito nakakalimot bumisita sa puntod ni Dolphy.
Sa July 25, birthday ni Dolphy at siguradong muli siyang bibisitahin ni Zsa Zsa at aalayan ng bulaklak.
- Latest




















