^

Metro

Akbayan-SJDM, pinaaalis at pinagpapanagot PrimeWater

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Akbayan Party–San Jose del Monte City Division ng mapayapang kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng PrimeWater upang igiit ang pagpapaalis sa ­kumpanya at panagutin ang mga responsable sa matagal nang problema sa serbisyo ng tubig sa lungsod.

Ang protesta ay bilang pakikiisa sa hayaan na ang lokal na pamahalaan ang humawak ng operas­yon ng tubig at hindi na maibalik sa PrimeWater.

“Layunin ng pagkilos na ito na ipahayag ang matatag na paninindigan at pakikiisa ng Akbayan sa mamamayan ng San Jose del Monte na patuloy na nakararanas ng mga suliraning dulot ng kapalpakan sa serbisyo ng PrimeWater. Naninindigan ang partido na ang bawat mamamayan ay may karapatan sa sapat, ligtas, de-kalidad, at abot-kayang suplay ng tubig bilang isang pangunahing serbisyong pampubliko,” ani Akbayan-SJDM Division Chair Gery Bautista.

Kabilang sa mga pa­ngunahing panawagan ng grupo ang tuluyang pagpapaalis sa PrimeWater sa San Jose del Monte at ang pagbabalik ng makatarungan, res­ponsable, at may pananagutang pangangasiwa sa serbisyo ng tubig.

Hinihiling din ng grupo na panagutin ang mga opisyal at iba pang responsable sa mga pagkukulang at kapabayaang nagdulot umano ng matinding pag­hihirap sa mga residente.

Nanawagan din ang Akbayan-SJDM para sa agarang pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak ang tuluy-tuloy, ligtas, at maayos na suplay ng tubig sa lahat ng komunidad sa lungsod.

PRIMEWATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with