^

Probinsiya

2 turista tiklo sa pagnenegosyo sa Siargo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 turista tiklo sa pagnenegosyo sa Siargo
Sa ulat ng BI, noong Hulyo 1 nang arestuhin ang dalawa ng mga operatiba ng Mindanao Regional Intelligence ­Operations Unit ng BI Intelligence Division sa isang resort sa San Isidro sa Siargao, Surigao del Norte.
immigration.gov.ph

MANILA, Philippines — Isang babaeng New Zealander at isang lalaking Swiss ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) matapos matuklasang nagpapatakbo ng negosyong resort sa Siargao kahit sila ay mga turista lang.

Sa ulat ng BI, noong Hulyo 1 nang arestuhin ang dalawa ng mga operatiba ng Mindanao Regional Intelligence ­Operations Unit ng BI Intelligence Division sa isang resort sa San Isidro sa Siargao, Surigao del Norte.

Nakalap ng BI ang intelligence information hinggil sa pamamahala ng isang homestay at café na may yoga session sa mga guest kahit sila ay walang permit o work visa.

Nag-book ng buong resort para sa kunwaring team building activity at nang makipagkita para sa tour ay napag-usapan ang mga rate sa accommodation, yoga session at re­servation na nagpatibay sa sila ang direktang may-ari.

Ang dalawa ay nahaharap sa deportation proceedings.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with