Ilang malls may libreng overnight parking kay ‘Inday’
MANILA, Philippines — Para sa inaasahang epekto ng Bagyong Inday (international name Bavi) sa buong Luzon ay bukas ang mga parking ng mga malls para sa overnight parking.
Ito ang inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) batay sa isang memorandum order na ang kahilingan ay magiging epektibo Huwebes ng gabi, Hulyo 9, at magtatagal hanggang sa makalabas na ng bansa si Bagyong Inday.
“In anticipation of the projected strong winds and heavy rainfall due to Super Typhoon ‘Inday’ in Metro Manila and other provinces, all shopping mall operators are hereby requested to open the parking spaces in their facilities Luzon-wide to the public for overnight parking, as temporary safe parking spaces for vehicles,” ayon sa kahilingan ni MMDA chairperson Don Artes.
Kabilang dito ang SM Supermalls, Robinsons Malls; Vista Malls; Filinvest Malls; Festival Mall (Alabang), Fora Mall (Tagaytay); Main Square (Bacoor), Westgate (Alabang); Bloc 10 (Alabang); at South Station (Alabang).
- Latest




















