^

Pang Movies

Ellen, tinawag na losyang ni Derek?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ellen, tinawag na losyang ni Derek?!

Tanong ng netizens, si Derek Ramsay raw ba ang tinukoy ni Ellen Adarna na tumawag sa kanya ng losyang?

Sa YouTube vlog ni Alex Gonzaga kung saan si Ellen ang iniinterbyu, nabanggit nitong nasabihan siyang “losyang.”

Kinol out ni Ellen ang husband ni Alex na si Mikee Morada at sabi, “Hoy Mikee, ‘pag nanganak na si Alex ‘wag mong sabihang losyang na siya ha. Ako napagsabihan na akong losyang.”

Tanong ni Alex, ano raw ba ang hitsura ni Ellen para masabihang losyang. Si Arci Muñoz na guest din ni Alex ang sumagot ng “Ganon ang mga narcissist, ida-down ka nila.”

Muling nagsalita si Ellen, “Losyang na raw ako wala na raw papatol sa’kin kasi ang lawlaw na daw ng ano, tapos losyang na raw.”

Ang hula ng netizens, ang ex na si Derek ang nagsabi na losyang na si Ellen dahil si Derek ang last na nakarelasyon nito. Gusto ngayon ng netizens na sagutin ito ng dating actor.

And speaking of Derek, madalas ang bonding nila ng anak na Lilyput ang kanyang tawag. Natutuwa ang netizens na nakakasama niya ang anak nila at nalinaw rin ang isyu na hindi ipinapahiram ni Ellen ang anak dahil madalas nga silang magkasamang mag-ama.

‘Yun nga lang, parang walang balikan na mang­yayari dahil nauna nang sinabi ni Ellen na wala s­iyang ex na binabalikan.

Kamakailan, maisyu siya kay Vaness Yu ng F4, sinabi ni Ellen sa nam-bash sa kanya na malapit nang ma-annul ang kasal nila ni Derek.

Kathryn, kakambal ang wax figure 

Na-unveil na kahapon ang Madame Tussauds wax figure ni Kathryn Bernardo na puro papuri ang reaksyon ng netizens.

Maganda ang pagkakagawa ng wax figure ng aktres. Kuhang-kuha si Kathryn at para nga silang twin ng kanyang wax figure.

Masaya ang fans ni Kathryn sa bagong milestone sa career at buhay niya lalo na at sa age group niya, siya pa lang ang may wax figure. Deserved daw nito na magkaroon ng wax figure dahil she’s a good person and a good actress.

May mga comment pa na “Super ganda,” “May kakambal na si Kathryn.”

May nag-request ng video ng expression ni Kathryn nang unang makita ang kanyang wax figure.

May mga nang-asar lang na nag-comment na konti ang tao sa unveiling. Kung si Kim Chiu raw ‘yun, siguradong maramin ang tao. Kaya ayun, nagsimula na naman ang giyera ng fans nina Kathryn at Kim at may sumali pang fans ni Kaila Estrada.

Ang sunod na aabangan ng fans ni Kathryn ay ang premiere ng series nila ni James Reid na Someone, Someday sa July 27 na. Mauuna ang streaming sa Netflix sa July 24 at sa July 25 naman sa iWant.

May Crossover!

Looking forward na ang Kapuso fans sa balitang magkakaroon ng crossover episode ang Kamao at Born To Shine. May mga karakter ng dalawang GMA Afternoon Prime ang mapapanood sa dalawang series.

Special episode ito, hindi pa lang sinabi kung sino sa mga karakter ng dalawang series ang lalabas sa Born To Shine at Kamao, pero siguro naman, si Anton Vinzon ng Kamao ang bubulaga sa Born To Shine.

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with