^

Metro

BSP zero transfer fees ‘unfair’ sa new players - Consumer Watchdog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang consumer watchdog at think tank na Pinoy Aksyon na ang panukalang zero transfer fees ay pumapabor lamang sa malala­king financial institutions. “Unfair at disadvantageous sa new players at taliwas ito sa financial inclusivity na isinusulong ng gobyerno. Obviously, papogi points. Apektado nito ang maliliit na players­ at papaburan ang mga bangko”, ayon kay Bencyrus Ellorin, convenor ng transparency and consumer watchdog na Pinoy Aksyon.

Ipinaliwanag ng grupo na tila pinapatay ng mga bangko ang new players na nagpalawak ng access sa financial services para sa masang Pilipino.

“Ang mga online fund transfer platform ay mahalagang kasangkapan para sa financial inclusivity dahil madali itong gamitin at naaabot maging ng mga mamamayang limitado ang access sa pormal na sektor ng pagbabangko.

Hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na magpatupad ng “makatwiran at makatarungang market-based pricing” para sa electronic fund transfers sa pamamagitan ng BSP Circular No. 1238 na nagkabisa noong Hulyo 4 ng taong kasalukuyan. Dagdag pa ng Pinoy Aksyon, ang makatwiran at makatarungang pagpepresyo ang tamang direksiyon.

AKSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with