Old Faces vs New Blood
Apat ang balik-imports at walo ang mga bagong mukha sa list of imports sa pagsisimula ng PBA Season 50 Governors Cup.
Blanko naman bigla ang import entry ng Barangay Ginebra dahil sa injury na tumama kay Justin Brownlee.
At kinailangan ni coach Tim Cone na siya mismo ang lumipad sa US sa mabilis na paghanap ng bagong reinforcement.
Pahinga muna si Brownlee, hopeful na makabalik bago ang crucial stretch ng conference at bago ang Saitama-Aichi Asian Games kung saan idedepensa ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona.
Meanwhile, sina George King ng San Miguel Beer, Aaron Fuller ng Rain or Shine, DeQuan Jones ng NLEX at Jalen Hudson ng Converge ay old faces na pangungunahan ang rumble ng imports sa season-ending tourney.
Ang mga new bloods eh sina Kentrell Barkley ng Blackwater, KJ Buffen ng Magnolia, Jordon Varnado ng Meralco, BJ Johnson ng Phoenix, Justin Strings ng Terrafirma, Tirrell Brown ng Titan, Darius Days ng TNT at De’Vondre Perry ng Macau.
Unang magpapakilala sina Strings, Brown at Perry sa kanilang pagsalang sa conference kickoff ngayong gabi sa Ynares Center-Antipolo, featuring Terrafirma vs Titan (5:30 p.m.) at Macau vs NLEX (7:30 p.m.).
Produkto ng Sacramento State si Strings na kumamada ng 17.9 points, 7.0 rebounds at 2.3 assists per game sa kanyang final year noong 2018. All-around players siya kung pagbabasehan ang kanyang mga numero.
Mukhang ganoon din naman si Brown, mula sa Ouchita Baptist U na babad sa liga sa American region – Argentina, Bolivia, Chile, Colombia, Ecuador at Uruguay.
Mula naman University of Albany si Perry, at fresh mula sa German ProA league.
Pare-parehas silang kailangan magpasiklab kaagad, considering galing sa masamang showing ang kanilang koponan sa Commissioner’s Cup.
So, inaaasahan ang mainit na salpukan kaagad sa pagsisimula ng Governors Cup.
- Latest

















