Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec
MANILA, Philippines — Itinalaga nitong Miyerkules ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secrertary Benjamin “Benhur” de Castro Abalos Jr. bilang Cabinet Secretary (CabSec).
Matatandaang, taong 2022 nang buwagin ni Pangulong Marcos sa bisa ng Executive Order No. 1 ang Office of the Cabinet Secretary na hinawakan nina Karlo Nograles at Atty. Melvin Matibag.
Ang katuwiran ng Pangulo ay para makatipid at maiwasan ang pagdoble ng mga trabaho sa gobyerno.
Inilatag naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang ilan sa magiging mandato ni Abalos bilang CabSec.
Una ay tulungan ang Pangulo sa pagbibigay ng napapanahon, makabuluhan at strategic advice sa umuusbong na national, local, at international issues na nakaaapekto sa political landscape.
Magsisilbi rin si Abalos bilang conduit ng Pangulo sa ‘national government agencies, local government units, political organizations, groups o parties, civil society organizations, at sectoral groups’ sa mga usapin na may kinalaman sa political concern at pinuno ng ‘strategic action at response office’.
- Latest




















