^

PSN Palaro

4 bagong players ng Creamline bibinyagan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
4 bagong players ng Creamline bibinyagan
Ang mga bagong Creamline Cool Smashers players na sina (mula sa kaliwa) Ishie Lalongisip, Erin Pangilinan at Dona Paralejas.
PVL photo

Sa opening ng PVL on tour

MANILA, Philippines — Apat na bagong players ang ipaparada ng Creamline sa pagsagupa sa Nxled sa pagbubukas ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour ngayong hapon sa Capital Arena sa Ilagan City, Isabela.

Isasalang ng Cool Smashers sina Dona Paralejas, Erin Pangilinan, Ishie Lalongisip at rookie standout Barbie Jamili sa pagharap sa Chameleons sa alas-6:30 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon magtutuos ang Akari Chargers at ZUS Coffee Thunderbelles.

“Wala kaming camp or anything but medyo ilang months din nakapag-training ‘yung buong team for the PVL On Tour Showdown and very excited kasi may mga bago kami – sila Erin, si Dona – for this conference,” ani Creamline star Alyssa Valdez.

Muling makakatuwang ni Valdez sa hangad nilang ika-12 PVL crown sina Jema Galanza, Tots Carlos, Pangs Panaga, Bea de Leon, Jia de Guzman at Kyle Negrito.

Itatapat ng Nxled sina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips katulong sina Myla Pablo, Lyann de Guzman, Ranya Musa, Aduke Ogunsanya, Chiara Permentilla, Jonah Escamillan, Jovelyn Fernandez, Jackie Acuña at veteran setter Gel Cayuna.

“We are trying to automatize the new players. So let’s see if we can give a good performance against the champions,” sabi ni Ita­lian coach Ettore Guidetti sa Chameleons.

Samantala, itatampok ng Akari ang nagbabalik na si Risa Sato sa pakikipagkita sa ZUS Coffee.

Bukod kay Sato, may 10 PVL titles sa Cool Sma­shers, ang iba pang sasandigan ng Chargers ay sina Ivy Lacsina, Fifi Sharma, Grethcel Soltones, Ced Domingo, Eli Soyud at Faith Nisperos at mga baguhang sina Ann Monares at Sharya Ancheta.

Itatapat ng Thunderbelles sina AC Miner, Thea Gagate, Jovelyn Gonzaga, Chinnie Arroyo, Fiola Ceballos, Jolina dela Cruz, Riza Nogales, Cess Robles, Chai Troncoso, Kate Santiago at ace setter Cloanne Mondonedo.

Hindi papayagan ang mga miyembro ng Alas Pilipinas na maglaro sa PVL On Tour na pinagreynahan ng PLDT High Speed Hitters noong nakaraang taon.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with