Salamat sa laban Alex Eala

MANILA, Philippines — Hindi pinalad si Alex Eala na umabante sa quarterfinals ng Wimbledon Championships na ginaganap sa London, England.
Natuldukan ang kampanya ni Eala nang lumasap ito ng 4-6, 6-4, 3-6 kabiguan sa kamay ni world No. 17 Jasmine Paolini ng Italy para tuluyang mamaalam sa kontensiyon.
Sa kabila nito, malaki ang iniwang tatak ni Eala sa lahat ng Pilipinas sumubaybay sa kanyang mga laban sa Wimbledon.
Nagkaisa ang lahat upang suportahan ang bagong sports hero ng bansa sa ngalan ni Eala.
Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Eala sa mainit na suporta ng mga Pilipino saang mang panig ng mundo.
“Salamat sa lahat ng mga Pilipino na sumuporta, sa mga nanood sa watch parties. Very grateful,” ani Eala.
Maraming natutunan si Eala na madadala nito sa kanyang mga susunod na laban.
Isa na rito kung paano sakyan ang pressure sa bawat laban nito partikular na sa mga bigating players.
“There are so many positives. Well, one I think is how I’ve handled pressure. I’m happy with how I faced it head on. I think I kept cool when I needed to control my emotions. Overall, performed the best that I could on the day,” ani Eala.
Sunod nang paghahandaan ni Eala ang hard court season kung saan pakay nitong magkaroon ng magandang ratsada sa US Open.
“I think this week in general will add to my confidence. I mean, if this week doesn’t. It’s been one of my best results, right? Of course, it will add confidence,” ani Eala.
Pinuri ni Eala ang mahusay na inilaro ni Paolini.
Sa katunayan, aminado si Paolini na nahirapan din ito kay Eala.
Para kay Paolini, bagay na bagay ang estilo ng laro ni Eala sa grass court.
“It was a tough match. Alex, she’s really a tough opponent, especially here on grass. Her game was perfect here, and it was a tough battle, and I am proud that I pulled through,” ani Paolini.
- Latest






















