Olivia, aliw sa pagiging pambansang pinsan!

Sa interview ni MJ Felipe kay Olivia Rodrigo, nagpahayag ito ng tuwa sa ibinigay na title sa kanya ng kanyang Filipino fans na “Pambansang Pinsan.”
Kinikilig pa ito nang sabihing “I love it so much. I’ll take it. That’s amazing. Wow. I wear that with honor and pride. That’s amazing.”
Na-interview exclusive ng ABS-CBN News si Rodrigo dahil nagpu-promote ng kanyang third studio album na may title na you seem pretty sad for a girl so in love.
New release ang album, pero pinag-uusapan na at na-release sa bansa noong June 12, araw na sine-celebrate ng bansa ang Philippine Independence Day. Binanggit nito na ipinagmamalaki niyang Filipino siya. “I am so proud to be Filipino. Everyone in the Philippines is just so warm, and so encouraging, and so loving. I just take their love with me everywhere I go.”
Anyway, inaabangan na ng mga “pinsan” ni Olivia ang pagbabalik niya sa bansa for another concert at siguro naman, mangyayari ito dahil may new album siya. The album has 13 tracks at tungkol sa rise and fall of a relationship.
Included in the tracks are: Stupid Song, Drop Dead, Honey Bee, U+ Me, My Way, Less, The Cure, Begged at What’s Wrong With Me (featuring Robert Smith of The Cure).
Bimby at Ryzza, ginawan ng pekeng kasal!
Pinagkakaguluhan ang AI or artificial intelligence wedding photo nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino at sa ganda ng pagkakagawa, aakalain ng mga nakakakita na totoo.
Ang nakakatuwa pa, hindi lang isa, kundi tatlo ang wedding photos ng MaeBy.
Ang isang larawan, parang after the wedding ceremony na, naglalakad ang dalawa at si Bimby ang may hawak ng bouquet. Sobra kaming naaliw sa isang photo na cutting of the wedding cake at ang isa pa, kunwari kuha after the wedding ceremony at makikitang parehong masaya at nakangiti ang mga ikinasal.
Sakay na sakay ang fans sa AI-generated photos ng MaeBy, parang totoo raw ang photos at sana nga, magkatuluyan sina Bimby at Ryzza. Marami ang nag-congratulate, may nabilisan sa nangyayari dahil kasisimula lang daw ng love team ng dalawa sa Eat Bulaga tapos kasalan na.
Sofia, pinagpalit si Allen kay Iñigo?!
Dati, breakup lang ang ina-announce at may pa-formal announcement that the said couple ended their relationship. Ngayon, pati ang pagtigil sa panliligaw, ina-announce na rin at sina Allen Ansay at Sofia Pablo ang nagpauso.
Naunang nag-post si Allen sa TikTok at sinabing tumigil na siyang manligaw kay Sofia last March. Career ang sinabi nitong rason at nilinaw na maayos ang kanilang pag-uusap at mananatili silang magkaibigan.
Noong isang araw sa 24 Oras, si Sofia naman ang ini-interview at pinatotohanan ang post ni Allen na tumigil na ito sa panliligaw sa kanya. Maayos daw ang pag-uusap nila and they remained friends.
“Oo” ang mabilis na sagot ni Sofia nang tanungin ni Aubrey Carampel kung payag siyang makatrabaho pa si Allen. ‘Yun nga lang, hindi na sila loveteam at puwede na silang ipareha sa iba na hindi magagalit at magtatampo ang fans.
Kaya lang, may tsika na kaya wala na ang love team nina Sofia at Allen dahil kay Iñigo Jose Blanco ang anak ni James Blanco na kapwa niya Pinoy Big Brother (PBB) housemate at nakasama niya sa Bahay Ni Kuya during PBB days.
May nabasa kaming comment na kinikilig si Sofia kay Iñigo lalo na at maganda ang pakita nito sa kanya sa Bahay Ni Kuya. May mutual attraction din daw ang dalawa, kaya hindi sila nagulat sa balitang tumigil na si Allen sa panliligaw kay Sofa.
In fairness, hindi naman tinatapos ng dalawa ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa kaya walang dapat ikalungkot ang fans.
- Latest




















