^

PSN Showbiz

Loyalty ni Jericho, sinusubukan na ni Janine!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Loyalty ni Jericho, sinusubukan na ni Janine!
Janine Gutierrez

Inaabangan din sa The Loyalty Game ang mga outfit ni Janine Gutierrez.

Nasa episode 3 and 4 na this Friday ang nasabing palabas na hango sa viral na “loyalty test” trend sa social media na nagkaroon ng global premiere sa Hulyo 3.

Bago ito nag-umpisang mapanood sa Prime Video ay nagkaroon ito ng advance screening sa Trinoma Cinema 6, bilang hudyat ng inaabangang paglulunsad ng Filipino psychological drama na ito.

Dinaluhan ito ng mga bidang sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Carmina Villarroel, Charlie Dizon, Yen Santos, Elisse Joson, Maika Rivera, Yassi Pressman, Kira Balinger, Alyanna Angeles, Robbie Jaworski, Carlitos Siguion-Reyna at Karina Bautista.

Hango sa viral na “loyalty test” phenomenon sa social media, tinatalakay ng drama ang mapanirang epekto ng paghihinala at ang mga mapanganib na move na pwedeng gawin ng isang tao upang matuklasan ang katotohanan.

Pagkatapos ng screening ay nagkaroon ng talkback ang mga cast at creator upang ibahagi ang kanilang mga pananaw sa pagbuo ng serye, ang kanilang mga karanasan sa pagbibigay-buhay sa mga karakter, at ang mga pangunahing tema ng trust, deception and power na nagpapatakbo sa kuwento.

Sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at produksyon ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Star Creatives unit nito, sinusundan ng The Loyalty Game ang kuwento ni Ana (Janine Gutierrez), na kumuha ng isang “loyalty tester” upang alamin ang katotohanan tungkol sa kanyang misteryosong asawang si Ben (Jericho Rosales).

Ang isang planadong kasunduan ay mabilis na nauwi sa isang mapanganib na psychological game na puno ng mga sikreto, pang-aakit at manipulasyon, kung saan ang katapatan ay nagiging usapin ng buhay at kamatayan.

Sa totoong buhay ay walang problema sa loyalty sina Janine at Jericho at mas tumitibay ang kanilang relasyon. 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with