^

PSN Showbiz

Wilbert, lutang ang pakiramdam sa negosyong pabango

Pilipino Star Ngayon
Wilbert, lutang ang pakiramdam sa negosyong pabango
Wilbert Ross

Pakiramdam ni Wilbert Ross na siya’y nasa cloud nine nang ito’y humarap sa select entertainment media and vloggers for his very first product endorsement, ang sarili niyang scents of perfume, ang Strato.

May tatlo itong magkakaibang scents – ang Nimbus, Cumulus at Cirrus – na siya mismo ang personal na pumili ng scents at pangalan.

Aminado si Wilbert na naging hands-on umano siya sa kanyang first line of perfume scents under Viva Beauty coinciding sa kanyang 10th anniversary in showbiz.

Inalala niyang hindi agad-agad umarangkada ang kanyang career at kinailangan umano niyang pagdaanan ang past failures niya para lubos na ma-appreciate ang tagumpay na unti-unti na niyang tinatamasa ngayon.

Inalala rin ni Wilbert ang 10 highlights ng kanyang career na kanyang sinimulan sa kanyang pag-sali sa Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime in 2016. Hindi raw siya nanalo pero hindi naman daw siya na-gong during his performance.

Pumangalawa rito ang kanyang pag-audition sa Pinoy Boyband Superstar kung saan umano siya umabot sa Top 25. Pangatlo ay ang pag-audition at pag-anib niya sa Hashtags dancers, ang all-male dance group na regular na nagtatanghal noon sa   It’s Showtime.

Pang-apat ay ang kanyang first film, ang Bes and the Beshies nung 2017. Pang-lima ay ang kanyang first single under Star Music na pinamagatang Maaari Ba nung 2019. Pumapang-anim ang collaboration nila ng popular vlogger na si Zeinab Harake na nag-viral, pangpito ang kanyang pagbibida sa VMX sa kanyang launching movie na Boy Bastos. Pang-walo ay ang unang team-up nila ni Bea Binene sa Viva One hit series na Golden Scenery of Tomorrow. Pang-siyam ang launch ng kanyang suspense-thriller book na Pagbilang Kong Tatlo which was launched nung Sept. 25, 2025 sa Manila International Book Fair. Pang-10 ang paglabas ng kanyang studio debut album, ang Aking Musika which was released nung Nov. 7, 2025.

“Actually, sobra na sa 10 ang highlights ng career ko,” aniya.

“Pang-11 ang two-night sold-out concert ko sa New Frontier Theater on July 25 & 25, 2026,” patuloy niya.

“Nariyan pa ang launch ng bago naming serye ni Bea (Binene), ang Love U Lots on Viva One this July 24 at ngayon, ang launch ng Strato perfume ko,” dugtong pa niya.

Ang maganda kay Wilbert ay nananatili siyang grounded sa kabila ng tuluy-tuloy na blessings na dumarating sa kanya.

Xian, maaga ang birthday gift

Aminado ang singer, musician, actor at director na si Xian Lim na magsisilbing advance birthday gift sa kanya ang kanyang pagtatapos ng kolehiyo nito lamang nakaraang July 4, eight days before his 37th birthday sa darating na linggo, July 12.

Si Xian ay nagtapos ng Degree on Music Production sa De La Salle – College of Saint Benilde sa edad na 36 at isa siya sa nagmartsa sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ginanap din ang kanilang graduation ceremony.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with