Ruso, minanyak ang katrabahong Pinay sa elevator
MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng reklamong acts of lasciviousness ng isang Pilipina ang isang Russian citizen sa panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan at tangkang panghahalik habang sila ay nasa loob ng elevator sa Taguig City, noong nakalipas na buwan.
Batay sa complaint-affidavit na inihain sa Taguig City Prosecutor’s Office, ang suspek na nanunuluyan sa isang condominium at kawani umano ng Russian Embassy sa Pilipinas, ang gumawa ng kahalayan sa kanya sa labas at loob ng elevator noong Hulyo 5, 2026.
Una umano ay naghihintay siya para sumakay sa elevator ng isang condominium, nang bigla siyang hawakan sa likod at puwet na nagtagal ng 3 segundo.
Hindi agad siya nakapag-react sa pagkabigla, natakot at hindi makapaniwala sa pangyayari.
Nang bumukas ang elevator, sumakay siya at ang suspek na amoy alak na pumuwesto ng malayo, subalit doon ay kinorner siya at tinangkang hawakan ang kanyang mga kamay at sinubukan siyang halikan ngunit pumalag siya.
Hindi umano niya magawang makalabas agad ng elevator dahil nakorner siya hanggang sa lumabas na ang suspek.
Sinubukan na rin umanong aregluhin siya ng suspek at humingi ng apology at nangako na paalisin na sa panunuluyan sa condominium at magbibigay ng pera bilang kumpensasyon na kanyang tinanggihan.
- Latest




















