NDRRMC, naka-heightened alert sa super typhoon Inday
MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa epekto sa napipintong pananalasa ni supertyphoon Inday na ang international na pangalan ay Bavi ay isinailalim na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa heightened alert nito ang kanilang Operation Center at 44 pang mga ahensiya.
Sa report ng PAGASA, si Bavi ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga na tatawagan sa lokal na pangalang Inday. Ang bagyong Inday, ayon sa state weather bureau dakong alas-8:00 ng umaga ay nasa layong 1, 900 km sa silangan ng Central Luzon. Ang bagyong Inday ay may maximum na lakas ng hangin na nasa 185 km/h malapit sa gitna at bilis na 230 km/h na tumatahak sa direksiyon ng kanluran hilagang kanluran na nasa 20 kmn/h.
Sinabi ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na mino-monitor nila ang galaw ni Inday simula pa lamang ng mamataan ito sa labas ng PAR at inatasan ang mga ahensiya na maghanda sa nagbabadyang pagpasok nito sa bansa.
- Latest




















