^

Police Metro

Mahigit 6K pulis, naka-deploy sa paligid ng Senado

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pang-masa
Mahigit 6K pulis, naka-deploy sa paligid ng Senado
Mahigpit ang pinaiiral ng pulisya sa paligid ng gusali ng Senado sa Pasay City, kaugnay sa pagsisimula ngayong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Mahigit 6,000 pulis ang ikinalat sa paligid ng Senado sa pagsisimula ngayong araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay NCRPO spokesperson Maj. Hazel Asilo, na ang pag-deploy ng 3,250 Civil Disturbance Management personnel at 2,900 Reactionary Standby Support Force personnel ay upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa labas ng Senate complex habang isinasagawa ang paglilitis.

Sinabi ni Asilo na magbabantay ang mga pulis sa perimeter ng Senado, kabilang ang mga pangunahing access road, ingress at egress points, upang maiwasan ang anumang banta sa seguridad.

Mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko, at matiyak ang ligtas na pagpasok at paglabas ng mga opisyal, empleyado, at iba pang may transaksyon sa Senado.

Nilinaw ng NCRPO na ang kanilang mandato ay nakatuon lamang sa seguridad sa labas ng Senate complex upang matiyak na magiging mapayapa at maayos ang anumang kilos-protesta at hindi maaantala ang impeachment proceedings o makagagambala sa publiko.

Nanawagan naman si Asilo sa mga raliyista at sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with