^

Bansa

DOE: P10 fuel subsidy sa PUVs, tuloy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kahit bumababa na presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na kahit bumababa na ang presyo ng mga produktong petrol­yo sa bansa ay patuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng Fuel Subsidy Program para sa Public Utility Vehicles (PUVs) upang magbigay ng agarang tulong sa mga tsuper.

Sa ilalim ng programa, bumuo sila ng isang whole-of-government program kung saan makatatanggap ang mga kwalipikadong tsuper ng P10 diskwento kada litro ng diesel.

Maaari umanong makatanggap ang bawat driver ng hanggang 150 litro na limitasyon kada linggo o katumbas ng tinatayang P1,500 na lingguhang tipid na makatutulong upang mabawasan ang kanilang gastos sa operasyon at mapanatili ang kanilang kita sa araw-araw.

Sa kasalukuyan, mahigit 2,000 gasolinahan sa bansa ang kalahok na sa programa kaya’t mas maraming PUV drivers ang nabibigyan ng mas madali at mas malawak na access sa fuel subsidy saan man sila bumibiyahe.

Upang matukoy ang listahan ng mga gasolinahang kalahok sa programa ay maaaring bisitahin ang link na https://doe.gov.ph/.../3528092--fuel-subsidy-program.

DOE

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with