Vice at Bossing, may tagpuan na sa Cubao!

Trending kahapon ang Cubao dahil all set na ang petsa, oras at lugar kung saan nagkayayaang magkikita sina Eat Bulaga host Bossing Vic Sotto at It’s Showtime host Vice Ganda.
Nauna nang nagbatian ang kani-kanilang noontime show nitong Biyernes ang dalawang dating magkalabang noontime show hosts. May continuation kahapon.
Anyway, kahapon daw sana ang pagkikita pero kunyaring busy si Vice kaya nagkasundo silang ngayong Linggo na lang 4 p.m. sa Cubao.
Nauna nang hinulaan na pelikula ang gagawin nilang pagtatambal for Metro Manila Film Festival.
At oo nga, formal announcement nila ngayon na may special program pa.
- Latest






















