^

PSN Showbiz

Mga kapatid, kapamilya na rin!

Pilipino Star Ngayon
Mga kapatid, kapamilya na rin!
Shaina Magdayao

Kumpirmado na marami nang Pilipino ang magkakaroon ng pagkakataong kiligin, ma-inspire at ma-hook sa dalawang pinag-uusapang serye ng TV5 na A Secret in Prague at My Bespren Emman na mapapanood na rin sa mga Kapamilya platform simula Hulyo 27.

Matapos makuha ang puso ng Kapatid viewers, handa na ngayong makilala ng mas marami pang Kapamilya viewers ang mga kuwentong nagbibigay ng kilig, inspirasyon at matinding emosyon gabi-gabi.

Pinangungunahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes, patuloy na bumibida sa usapan ng mga manonood ang A Secret in Prague dahil sa kakaiba nitong timpla ng misteryo, romansa at mga nakakagulat na rebelasyon. Simula nang ilunsad ito, regular itong kabilang sa Top 10 titles ng Netflix Philippines, patunay sa patuloy na suporta at pagtutok ng mga manonood.

Ngayon, mas marami pang Kapamilya viewers ang magkakaroon ng pagkakataong sumabak sa misteryo at intriga ng seryeng bumihag sa puso ng maraming Pilipino.

Samantala, handa ring umantig sa damdamin ng mas maraming manonood ang My Bespren Emman, na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Shaina Magdayao.

Sa kuwento nitong puno ng pagmamahal, pamilya, at mga pagsubok sa buhay, siguradong marami ang makaka-relate at susubaybay sa bawat kabanata nito.

Sa pagdating ng A Secret in Prague at My Bespren Emman sa mga Kapamilya platform, mas marami pang manonood ang magkakaroon ng pagkakataong makisabay sa mga kuwentong pinag-uusapan, sinusubaybayan at minamahal ng mga Pilipino.

Abangan ang A Secret in Prague at My Bespren Emman simula Hulyo 27 sa TV5, ALLTV2, A2Z at Kapamilya platforms na Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWant.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with