Pag-access sa arrest items ni Duterte, pinagbigyan ng ICC
Sa hirit ng prosekusyon
MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng prosekusyon na mabigyan ng access sa mga materyales na nasa pangangalaga ng Registry kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa inilabas na bersyon ng desisyon, sinabi ng ICC na pinayagan ito ang prosekusyon na ma-access ang dalawang bagay na kanilang hiniling.
“The Chamber therefore finds that there are reasonable grounds to believe that the examination of these materials would produce evidence that is necessary for the investigation,” nakasaad sa desisyon ng ICC.
Giit pa ng Chamber na sa kanilang pagsusuri ay nakita nila ang kahalagaan nito sa imbestigasyon.
Subalit ibinasura naman ng ICC ang kahilinga ng prosecutors para mabigyan ng access sa mga susi na nakuha ng Registry nang arestuhin at ilipat si dating pangulong Duterte sa kustodiya ng hukuman.
- Latest




















