^

Bansa

Bomb threat, deadly weapon sa iskul ‘critical offense’ - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bomb threat, deadly weapon sa iskul ‘critical offense’ - DepEd
Students undergo entrance security checks at Parañaque National High School–Main during the visit of Education Secretary Sonny Angara on June 26, 2026.
Department of Education via Facebook

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga bomb threat at pagdadala ng mga nakamamatay na armas sa loob ng paaralan ay kabilang sa mga critical offenses na may kaakibat na matinding disciplinary penalties.

Ayon sa DepEd, bahagi ito ng School Safety Campaign ni Education Secretary Sonny Angara upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng tumitinding security challenges. “Hindi natin papayagan ang anumang banta sa kaligtasan ng ating mga estudyante. Responsibilidad nating lahat na panatilihing ligtas at payapa ang mga paaralan,” ani Angara.

Batay sa DepEd Order No. 006, s. 2026 o Guidelines Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE), ang bomb threats, jokes, at pagdadala ng deadly weapons ay ikinokonsi­derang third-level offense na may pinakamataas na disciplinary classification.

Ang mga parusa sa bawat antas ng offense ay ikinategorya bilang:

First-level offenses – maliliit na paglabag gaya ng pagmumura, simpleng paninira, at maling impormasyon. Parusa: nakasulat na pagsaway, pagpapatawag ng magulang, at suspensyon.

Second-level offenses – mas malala o paulit-ulit na paglabag gaya ng stalking, pananakot, pagnanakaw, at bahagyang pisikal na pinsala. Parusa: mandatory suspension, non-readmission, at exclusion depende sa bigat ng paglabag.

Third-level offenses – pinakamalalang kaso gaya ng hazing, homicide, se­xual assault, bomb threats, pagdadala ng baril, pampasabog, ilegal na droga, at acts of lasciviousness. Parusa: non-readmission o exclusion, kasama ang awtomatikong referral sa law enforcement at social welfare agencies.

Ipinaliwanag ng DepEd na sa non-readmission, hindi na maaaring mag-enroll ang mag-aaral sa susunod na school year ngunit papayagang tapusin ang kasalukuyang taon. Sa exclusion, agad na tatanggalin sa listahan ng klase ngunit maaaring ipag­patuloy ang edukas­yon sa pamamagitan ng angkop na interbensyon.

Dagdag pa ng DepEd, kasama sa guidelines ang risk assessments, confidential incident reporting, at mental health support para sa mga biktima. Layunin nitong magtatag ng inclusive at protective culture sa lahat ng pampublikong paaralan.

BOMB THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with