^

Police Metro

Parak todas sa riding-in-tandem

John Unson, Joy Cantos - Pang-masa
Parak todas sa riding-in-tandem
Ang biktima ay kinilalang si Patrolman Armaejo Unab Jornadal, 36, residente ng Barangay Kalubi, San Miguel at nakadestino sa 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo nitong Miyerkules ng hapon sa Barangay Tikwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur.

Ang biktima ay kinilalang si Patrolman Armaejo Unab Jornadal, 36, residente ng Barangay Kalubi, San Miguel at nakadestino sa 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-5:16 ng hapon ay pauwi na ang biktima mula sa Pagadian City sakay ng kanyang motorsiklo nang buntutan siya ng dalawang suspek na sakay ng itim na Honda XRM 125.

Pagsapit sa Purok Lapu-lapu ay inunahan siya ng mga suspek at nang makalapit ay paulit-ulit na pinaputukan ng back-rider at dahil sa mga tama ng bala ay nawalan ito ng kontrol at bumagsak sa motorsiklo.

Matapos ang pamama­ril, tinangay ng gunman ang sling bag ng biktima bago tumakas patungong Guipos.Naisugod pa ang biktima sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Sa inspeksyon ng mga otoridad, narekober sa compartment ng motorsiklo ng biktima ang resibo ng Armed Forces and Police Savings and Loans Association, Inc. (AFPSLAI) na may petsang Hulyo 1, na nagpapakitang kakakuha lamang niya ng cash loan bago ang insidente.

Nawawala rin ang kanyang government-issued firearm na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives ang apat na basyo ng bala na hinihinalang mula sa 9mm pistol, habang nagpapatuloy ang pagsusuri ng mga imbestigador sa CCTV footage sa dinaanan ng mga suspek.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with