Drug pusher tiklo sa P17 milyon droga
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang drug pusher sa isang buy-bust operation at nasamsam dito ang nasa P17 milyong halaga ng cocaine at shabu sa Jolo, Sulu, kamakalawa.
Hindi na pinangalanan ng mga otoridad ang naarestong drug pusher na 28-anyos na naninirahan sa Brgy. Tulay sa kapitolyo ng Sulu.
Sa ulat ng Jolo Municipal Police Station (MPS), ay isinailalim sa masusing surveillance operation ang suspect at hindi na nakapalag nang ito ay dakpin.
Narekober mula sa suspect ang cocaine na tumitimbang ng 3 kilo na nagkahalaga ng P15.9 milyon at 200 grams ng shabu na may katumbas namang halagang P1.35 milyon.
- Latest
















