^

Police Metro

3 menor de edad tepok sa salpok ng trak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang tatlong menor de edad matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sumalpok sa kasalubong na trak sa kahabaan ng highway ng Brgy. Poblacion, Damulog, Bukidnon, kamakalawa.

Ang mga nasawi na pawang lalaki ay may edad na 16-anyos na siyang rider at dalawa nitong angkas na 13 at 10-anyos.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Bukidnon Provincial Police Office, lulan ang tatlong menor de edad ng motorsiklo na minamaneho ng 16-anyos nang bigla silang mabulaga sa kasalubong na truck.

Dahil umano sa mabilis na takbo ay hindi na nila ito naiwasan at tuluy-tuloy na nasalpok ng truck na puno ng kargang tubo.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumila­pon ang mga biktima na pawang nagtamo ng matitinding sugat sa katawan sa kamalasan ay nagulungan pa ng truck.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima, subalit hindi na sila umabot ng buhay.

Sa pahayag naman ng driver ng truck sa mga otoridad, bigla na lamang sumulpot ang motorsiko at nabigo siyang iwasan ang mga ito.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with