Manny, naghahanap ng bagong kalaban!

Postponed indefinitely ang much-awaited rematch fight sa pagitan ng dalawang boxing icons na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather na nakatakda sanang mangyari sa darating na Sept. 19, 2026 sa Sphere ng Las Vegas, Nevada.
Ang balita ay kinumpirma mismo ng CEO ng Manny Pacquiao Promotions na si Jas Mathur.
Ang pagkaka-postpone ng laban nina Manny at Floyd ay may kinalaman sa legal lawsuits na kinakaharap ng American boxing legend.
Gayunpaman, umaasa pa rin si Manny na matutuloy pa rin ang kanilang rematch fight sa isang taon.
In the meantime, naghahanap ang camp ni Manny ng iba nitong makakalaban dahil meron din silang kontrata na kailangang i-honor.
Sina Manny at Floyd ay unang naglaban na tinutukan ng buong mundo.
As early as last month ay nasa Los Angeles, California, USA na si Manny and his camp para sa kanyang training.
Maraming boxing enthusiasts sa buong mundo ang nadismaya sa hindi pagkakatuloy ng laban.
Speaking of Manny, ini-enjoy na lamang nito ngayon ang kanyang kauna-unahang apo na si Clara sa kanyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao at misis na nito ngayon na si Carolina Pimentel-Pacquiao.
Napakasuwerte ni Clara dahil siya ngayon ang bagong ‘prinsesa’ ng pamilya Pacquiao at spoiled sa kanyang grandparents na sina Manny at Jinkee Pacquiao.
DongYan, inaabangan sa remember
Maungusan kaya ng pelikulang Remember ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang record-breaking movie nila nung 2023, ang Rewind, na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar na kasama sa 2023 Metro Manila Film Festival?
Ito’y magkakatulong na prinodyus ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, APT Entertainment at ng AgostoDos Pictures ng mag-asawang Dingdong at Marian.
Sa Quebec, Canada pa kinunan na muling pinamamahalaan ng box office director na si Mae Cruz-Alviar ang balik-tambalan ng mag-asawa.
This time ay co-producer na rin ng pelikula ang Regal Entertainment.
- Latest
























