16 wanted, arestado sa manhunt operations ng Quezon Police
MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted person, matagumpay na naaresto ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang labing-anim na wanted persons sa isinagawang magkakahiwalay na manhunt operations sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kahapon.
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa kabuuang bilang ng mga naaresto, apat ang Provincial Level Wanted Persons, isa ang City Level Wanted Person, at labing-isa ang Other Wanted Persons (OWP), na pawang nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.
Sa San Francisco Quezon, isa ang naaresto dahil sa kasong Homicide, habang isa rin naaresto ng Jomalig Municipal Police Station. Isang personalidad naman na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naaresto ng 1st Quezon Provincial Mobile Force Company. Isa ang nadakip, habang tatlo ang naaresto ng Polillo Municipal Police Station dahil sa mga kasong Homicide at Qualified Theft. Isa rin ang nahaharap sa kasong Estafa ang naaresto ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company.
Dalawa ang matagumpay na naaresto ng Perez Municipal Police Station sa mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Rape, habang isa ang nahaharap sa paglabag sa Republic Act No. 9165 ang nadakip ng Candelaria Municipal Police Station.
Sa Lucban Municipal Police Station, isa naman ang naaresto sa kasong Estafa. Samantala, isa ang nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, gayundin ang dalawang may kasong Rape, ang matagumpay na naaresto ng Lucena City Police Station. Isa naman ang nadakip ng Padre Burgos Municipal Police Station dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 704.
- Latest

























