^

Police Metro

Cellphone bawal gamitin habang may klase - DepEd

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral, magulang, at mga kawani ng eskuwelahan ang umiiral na polisiya na nagbabawal sa paggamit ng gadgets sa oras ng klase o instructional hours maliban na lamang kung para ito sa kanilang pag-aaral o kung may emergency.

Alinsunod ito sa DepEd Order No. 006, s.2026 o ang Guidelines on Ensuring Safe and Motivating Learning Environment (ESMLE).

Sa ilalim ng kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng porta­ble electronic devices at paggamit ng social media, online games, content creation at vlogging, ng mga mag-aaral at ng mga personnel nito sa oras ng klase.

Maaari lamang payagan kung para ito sa academic purposes, gaya ng pag-access ng educational platforms at digital resources o paglahok sa authorized online collaborative activities,gayundin sa panahon ng emergency, kabilang na ang disasters, medical crises, at iba pang agarang safety concerns.

Hinikayat din ng ahensya ang mga eskuwelahan na paigtingin ang kanilang mga information at advocacy campaign upang masiguro ang pagsunod sa polisiya at maisulong ang ligtas, responsable, at wastong paggamit ng internet at mga digital device.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with