^

Pang Movies

FHTC, mas palalakasin ang teatro!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
FHTC, mas palalakasin ang teatro!
Atasha Muhlach

Pinalalawak ng Travellers International Hotel Group, Inc., owner at operator ng Newport World Resorts, ang papel ng in-house production arm nito, ang Full House Theater Company (FHTC), bilang bahagi ng mas malawak na pamamahala sa live entertainment.

Matapos nga ang mahigit isang dekada ng pagtatanghal sa mga theatrical production ng integrated resort, pangungunahan na ngayon ng FHTC ang mas malawak na hanay ng live entertainment.

Mula nang itatag ito noong 2014, ang FHTC ay nasa likod ng mga pinakasikat na produksiyon sa Pilipinas, kabilang ang Ang Huling El Bimbo The Musical, Shrek The Musical, Bituing Walang Ningning, Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya ni Edgar Musical, at Delia D.: A Musical Featuring the Songs of Jonathan Manalo, at iba pa.

Ang mga nabanggit na musical na ito ay nakatulong sa pagbuo ng Newport World Resorts bilang isa sa mga nangungunang destinasyon sa bansa para sa world-class entertainment.

Ang direksyong ito ay nabubuo na sa pamamagitan ng mahalagang pakikipagsosyo nito sa VIVA Artists Agency, Inc., na matagumpay na naglunsad ng Bagets The Musical noong unang bahagi ng taong ito at ngayon ay naghahanda para sa susunod nitong pa­ngunahing produksyon, ang Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Musical, na magbubukas ngayong Setyembre 2026.

Habang patuloy na pinapalakas ng Newport World Resorts ang portfolio ng entertainment nito gamit ang mga local and international production, pinalalawak din ng FHTC ang mga abot-tanaw nito na higit pa sa musical theater.

Maaaring asahan ng mga manonood ang isang masigla at buong taon na kalendaryo na kinabibila­ngan ng mga concert, straight plays, improv theater and special events across the integrated resort.

Pinapalakas ng pagpapalawak na ito ang pangmatagalang pangako ng kumpanya sa pagpapaunlad ng talentong Pilipino at pagpapayaman ng live entertainment landscape ng bansa.

For more information on Newport World Resorts, visit www.newportworldresorts.com and follow @newportworldresorts on Facebook, Instagram and TikTok.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with