^

Probinsiya

Lamayan inararo ng truck: 4 todas!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lamayan inararo ng truck: 4 todas!
Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, binabagtas ng wing van truck ang highway patungo sa Manila nang makatulog ang 24-anyos na helper na si alyas “Gil” na siyang pinagmaneho ng orihinal na driver na si alyas “Rene”, parehong taga Sta. Rosa City Laguna upang siya ay magpahinga. 
STAR/File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay habang 11 iba pa ang sugatan makaraang araruhin ng isang wing van truck ang isang lamayan at ang mga nakaparadang anim na sasakyan sa gilid ng Maharlika Highway na sakop ng Sitio Tumpukan, Bara­ngay Ibabang Palsaba­ngon, Pagbilao Quezon nitong lunes ng gabi. 

Base sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, binabagtas ng wing van truck ang highway patungo sa Manila nang makatulog ang 24-anyos na helper na si alyas “Gil” na siyang pinagmaneho ng orihinal na driver na si alyas “Rene”, parehong taga Sta. Rosa City Laguna upang siya ay magpahinga. 

Dahil sa insidente dakong alas-10:45 ng gabi ay lumihis ang trak sa kabilang linya at diretsong inararo ang mga taong naglalamay saka binangga ang isang jeep, tatlong motorsiklo at dalawang tricycle bago tuluyang ­bumangga sa puno. 

Dalawa sa mga biktima ang agarang namatay sa lugar matapos na maipit sa ilalim ng trak habang ang dalawang iba pa ay dead-on-arrival sa magkahiwalay na ospital. 

Dalawang menor-de-edad at 9 na iba pa kabilang ang helper na nagmaneho ng truck at ang orihinal na driver ang mga nasugatan sa insidente na dinala sa ospital. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kasabay ng inihahandang kaso laban sa mga sangkot sa aksidente.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with