Viva Hot Babes, tuloy ang reunion project

Naging matagumpay ang lahat ng Get, Get Aw! concert ng SexBomb Girls sa Pilipinas na sinimulan bago magtapos ang 2025. Nagkaroon ng concert series sa iba’t ibang venue sa bansa at maging sa ilang panig ng mundo. Ngayon ay napababalitang ang Viva Hot Babes naman ang posibleng magkaroon ng reunion concert.
Ayon sa miyembro nitong si Katya Santos ay ipinatawag na silang grupo ng pamunuan ng Viva. “Actually, Tito Boy I have said so many times nawala (reunion concert). Pero recently, pinatawag kami ni Boss Vic (del Rosario). Sinabi niya sa amin, gusto niya mag-reunion kami. So ngayon, ‘yon pa lang ang alam namin na gusto niya. Kung kailan, kung mangyayari man siya, siguro po ia-announce namin kung talagang may magaganap po this year or maybe next year. Gusto niya po talaga,” pagtatapat sa amin ni Katya sa Fast Talk with Boy Abunda.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng aktres dahil sa posibilidad na matuloy ang reunion project. “Siyempre kinakabahan kami, napi-pressure kami of course nako-compare sa SexBomb. By the way kaibigan po namin sila. Excited din naman kami sa thought na magka-reunion kami,” dagdag ng dating child star.
Samantala, hindi madali para kay Katya ang hiwalayan nilang asawang si Anton delos Reyes. Taong 2013 nagpakasal ang dalawa. Nabiyayaan ng isang anak na babae at tuluyang nagkahiwalay sina Katya at Anton noong 2016. “First sa annulment, mahirap na ‘yon eh. It’s a very difficult situation, mahal, emotional, lahat na. tapos ‘yung nagsasalita in front ng mga tao na ‘to na hindi mo kilala. Tapos you have to say your story. Dinaanan ko ‘yon because ayaw ko siyang madaliin. I want to feel the process. Hindi naman to endure the pain, pero at least ‘Ano bang lesson ko rito sa annulment na ‘to?’ Better ang situation ko now with the new partner. Kasi lahat ng mga mali, naitama ko ngayon. Hindi ko naman sinasabing I was perfect. Of course may pagkukulang din ako sa ex-husband ko. Parang 360 degrees din siya eh, ginulo then umayos. Siguro hanggang do’n lang talaga ‘yung relationship namin. Tinanggap ko na lang siyang gano’n. Ang naging attitude ko ngayon is huwag nang ipilit ang mga bagay kung hindi na talaga dapat. Do’n ako nag-start mag-church, into retreat healing. Kasi I felt like, ‘Ako ba ang may problema? Kailangan ko na bang magpa-psychiatrist? Kailangan ko na bang magpa-check? Dumating sa gano’ng point. Kasi sisisihin mo na ‘yung sarili mo. Bakit ganito nangyayari sa family ko, eh wala ring hiwalay sa mga kapatid ko. Nagkaroon ako ng self-doubt, self pity. Kasi iba rin ‘yung experience no’ng time na ‘yon eh,” pagdedetalye ng Viva Hotbabes member.
Nasa poder ni Katya ang anak na si Tala. Sobrang nag-aalala ang aktres lalo na kapag nasa eskwelahan ang supling. “Bothered ako, kasi number one ‘yung bullying. I always tell my daughter, ‘Huwag kang magpapa-bully ah, lumaban ka.’ Or always tell an adult, or magsumbong ka sa akin. Kasi hindi natin palalampasin ‘yan. Siyempre worried ako sa well being niya eh. ‘Yung mag-isip ng something na hindi maganda kasi nabu-bully eh. So I always tell her, ‘Makipagkaibigan ka sa maraming kaklase para malaki‘ yung grupo mo,” kwento ng aktres. — Reports from JCC
- Latest






















