Billy, champion sa Mask Singer France!

Si Billy Crawford ang big winner ng Mask Singer France at ang nakakatuwa, siya ang host ng Mask Singer Philippines. Nagpasalamat si Billy sa bagong award na nakuha sa France.
“This was absolutely amazing experience! Thank you to my @masksinger_tf1 family for keeping me a secret for a whole month! Thank you to the costume designers for your incredible patience and for the countlessadjustments you made along the way.
“To everyone who voted for me, thank you from the bottom of my heart.
“L’Ane was very special character to me because I chose it with my son Amari in mind. I figured if he loved it, everyone else would too!
“Most of all, thank You, Lord God, for giving me the courage, strength, and opportunity to compete- and on top of that, to win!” ang kanyang buong post.
Kasamang pinost ni Billy ang mask na ginamit to hide his face at nakatulong para siya ay manalo.
Ramdam na marami ang nagmamahal at mga fans ni Billy sa France dahil nang alisin ang nakatakip sa mukha niya at makitang si Billy ang nasa likod ng mask, ang lakas ng sigawan ng audience.
Tuwang-tuwa ang audience at pati na ang mga hosts at naalala ng mga netizens, si Billy rin ang winner sa Dancing with the Stars sa France rin.
Kami naman ay tuwang-tuwa kapag nagsasalita na ng French si Billy, nakaka-amaze lang na hindi pa rin niya ito nakakalimutan kahit nakabalik na siya sa Pilipinas.
Jayson, may reklamo rin sa bill
Pagkatapos ni Barbie Imperial, si Jayson Gainza naman ang may reklamo sa Meralco dahil sa mataas na electric bill for July. Pinost ni Jayson ang bill nila at nakasulat na P17, 845.79 ang kanilang babayaran.
Sa mga comment, malalaman na marami pa ang nakatanggap ng high Meralco bill. Gaya na lang ni Joshua Zamora, husband ni Jopay ng Sexbomb. Sa laki raw ng babayaran nila mas mabuting magpalagay na lang sila ng swimming pool. Inereklamo rin nito ang water bill nila na sa laki, para silang may car wash shop.
Mas malaki ang electric bill nila Kitkat na kahit tatlo lang sila sa bahay at four days lang sila sa bahay, P23k ang bill nila.
Vaness Wu, idinisplay ang totoong jowa!
Ikinasal pala uli si Vaness Wu ng F4, pinost nito ang kamay nila ng kanyang wife na suot ang wedding rings nila.
Sabi ni Vaness, “Every good thing comes from above. 2026 has been filled with so many blessings. Being able to tour again with the boys, being able to do what I love on stage and perform for you all... and now being blessed with the most important person in my life.
“I’m truly so grateful to be able to share this love with all of you who have supported me throughout the years.
“May God bless each and everyone of you with the same love and grace He has so generously shown me.”
Napansin namin na maraming Pinoy ang nag-congratulate kay Vaness, pati mga celebrity gaya nina Iza Calzado, Anne Curtis, at iba pa.
Hinanap ang congratulations ni Ellen Adarna, pero hindi pa yata nito alam ang balita kay Vaness. Remember, isa si Ellen sa nanood ng concert at inaming si Vaness at si Jerry Yan ang crush niya sa F4. Nag-post pa siya ng playtime na ‘jowa reveal’ daw si Vaness.
- Latest

























