Finale... ni Regine, may bentahan na ng ticket!

Simula sa July 30, 2026 ay mabibili na ang tickets to the two-night last major concert ng Asia’s Songbird at Kapamilya star na si Regine Velasquez na pinamagatang FINALE.
Gaganapin ito sa SM MOA Arena on Oct. 17 & 18, 2026 na nakatakdang idirek ni Paolo Valenciano with Raul Mitra as her musical director.
Ang tickets ay mabibili sa lahat ng SM tickets outlets maging sa SM Tickets website sa halagang P15,120 for Platinum 1, P13,440 for Platinum 2 & 3, P10,080 for SVIP 1, 2 & 3, P7,280 for SVIP 4 & 5. Ang VIP 1 ay P4,480, VIP 2 -P3,360 habang ang Box Premium ay P2,240 at Box Regular at P1,130.
Ito ay magsisilbing last major solo concert niya in a major venue matapos ang kanyang four-decade na pamamayagpag in the entertainment industry.
Star Worx, palalakasin!
Ginagawa na ang lahat ng TV5 upang mag-rate ang sarili nilang produced entertainment shows.
Bukod sa pinalalakas nila ang sarili nilang talent management arm na Star Worx, tuloy rin ang paggawa nila ng mga iba’t ibang content.
Nasa bakuran na ng TV5 ang dalawa sa dating stars ng ABS-CBN na sina Enrique Gil at Andrea Brillantes, dalawa sa mga pangunahing bituin ng tumatakbong serye ng Kapatid Network, ang A Secret in Prague na pinamamahalaan ni Barry Gonzalez at tinatampukan din ng Kapatid talents under Star Worx na sina Cedrick Juan at Kim Domingo, dating contract talent ng GMA Artists Center.
Kailangan lang talaga siguro ng Star Worx na maging matiyaga bago maka-take off nang husto ang kanilang contract talents kahit meron na rin silang established artists (from other TV networks).
- Latest


























