^

PSN Showbiz

Yayo at mga anak, nakasundo na si William!

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Yayo at mga anak, nakasundo na si William!
William, Yayo at mga anak
STAR/ File

Mala-Dennis at Julia noon

Hindi inaasahan ng members ng entertainment press, kabilang kami, na makikita namin ang aktres na si Yayo Aguila sa pasabog na Pride event na White Party Manila sa World Trade Center sa Pasay noong isang gabi

Magpo-promote raw kasi sila ni Martin del Rosario ng LGBT-themed Cinemalaya 2026 movie nilang Tayo Lang ang Nakakaalam. Pero kahit daw walang promo at inimbitahan siya ay talagang pupunta siya dahil ally o taga-suporta siya ng members ng LGBTQ+ community.

Ever since naman daw ay marami na siyang kaibigang kyombirds at bading. “‘Di ba sa industry nalang natin sobrang dami and talagang nakakatuwa ang mga nasa LGBT kasi parang iba ‘yong vibes na binibigay, parang laging positive, laging masaya lang. Saka who are we to judge? Para sa akin, kahit sino welcome.”

Pero hindi raw ibig sabihin noon na open siyang makipagrelasyon sa lesbiyana. Hanggang friends lang daw ang mao-offer niya sakali mang may lesbiyanang maglakas loob na ligawan siya. In fact, even for an acting role, baka raw hindi pa niya kaya ang makipag-kissing scene sa kapwa babae. “Isipin ko pa ‘yan, hindi ko pa alam kung kaya ko ‘yon,” natatawang say ni Yayo. “Pero kung LGBT na content, okay naman ako doon.”

Samantala, hindi pa rin naiwasang matanong si Yayo tungkol sa kanyang ex-husband na si William Martinez at doon ay masaya niyang naibalita na okay na si William at mga anak nila. “Kasi, ‘di ba, for the longest time, hindi sila okay? Ngayon okay na sila. Open naman ako sa mga interviews ko noon na hindi sila okay.”

Ang mga anak na rin daw niya ang gumawa ng paraan para magkaayos sila ng kanilang tatay. “Especially yong eldest ko, si Ate Pat. Siya ‘yong gumawa ng paraan bago siya umalis for the States. Ginather niya ‘yong mga kapatid niya, umalis sila, nag-lunch sila,” kwento pa ni Yayo.

“Okay na sila. Payapa na ‘yong loob ko knowing na nagkaroon na sila ng reconciliation.”

Sa mga pa-interview raw ni William nagsimulang sumama at lumayo ang loob ng apat nilang anak sa kanilang ama. “Kasi ‘di ba marami ring interviews na ginawa si William na iba-ibang versions pero ang pinaka-common denominator, nagsasalita siya ng hindi maganda tungkol sa mga anak ko, na negative, na alam ko namang hindi totoo, alam naming hindi totoo. Hinayaan na lang namin. ‘Di ba hindi naman kami nagsalita? Kasi pamilya, e. Ayaw naman naming pag-usapan pa ‘yong personal namin.

“Pinagdasal nalang namin kasi ako naniniwala ako na ‘pag mangyayari, mangyayari. Finally, after four, five years, nangyari.”

Kung tutuusin ay tila pareho ang naging sitwasyon ng mga anak nila ni Dennis Padilla at tatlo nitong anak kay Marjorie Barretto. Ang pagsasalita ni Dennis sa press at sa social media against his own kids ang madalas na ugat ng sigalot nito sa mga anak kaya’t naging away-bati through the years ang kanilang relasyon.

Kaya naman naka-relate raw siya nang husto sa pinagdaanan ni Julia Barretto at mga kapatid nito.“More than kay Marjorie, doon sa mga bata naka-relate pero ayokong mag-dwell doon sa side naman ni Dennis kasi hindi ko rin kasi alam masyado. Ang alam ko lang, kung ano ang mga napapanood ko sa mga interview, mga sinasabi, mga nagaganap. Pero s’yempre, mas nakaka-relate ako sa mga bata kasi ganoon din ‘yong naramdaman ng mga anak ko.”

But as far as she is concerned, kahit hindi na sila nag-uusap ni William, ay wala naman na raw siyang problema rito.  “Hindi ko naman siya hindi gustong makita,” paglilinaw niya.

“Ang usapan din naman namin ng mga bata, ang importante ‘yong relationship nila with him. Wala na ako sa picture kumbaga. Matatanda na ‘yong mga anak ko, lahat ‘yan as in adults na. Lahat ‘yan may sariling relationship sa tatay nila. Ako labas na doon. Basta kung saan masaya ‘yong mga anak ko, doon ako.”

And to prove na wala siyang hang-up kay William, willing daw si Yayo na makatrabaho ito anytime soon.

Samantala, ang mas pinalaki and super successful na White Party Manila – na may hashtag na #UniteInWhiteManila – ay first time na ginanap sa World Trade Center. The event, a collab between LoveYourSelf and Mentorque Productions gathered some of the biggest names in the LGBTQIA+ community under one roof including John Sweet Lapus, KaladKaren, Ice Seguerra, Liza Diño, Joey Mead-King, Angie King, Andoy Ranay, Alex Diaz, Mimiyuuuh, Klea Pineda and girlfriend Janella Salvador.

Ang highlight ng event ay ang pasabog na pagrampa ni Vice Ganda in all her unicorn glory. Bukod kay Vice, bigtime rin ang imbitadong performers gaya nina Maki, Gloc-9, Sexbomb, Marina Summers at Ben&Ben.

Congrats, Mentorque and Happy Pride!                   

WILLIAM

YAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with