^

Police Metro

Implementasyon ng Juvenile law, susuriin ng Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod ng mga sunud-sunod na high-profile cases na kinasangkutan ng mga menor-de-edad tulad ng insidente ng pamamaril sa Tacloban at pananaksak sa Negros Occidental at lalawigan ng Cavite ay susuriin ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development sa pamumuno ni Senador Erwin Tulfo ang pagpapatupad ng Republic Act 9344, o ang “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006”.

“Paulit-ulit ko nang binibigyang-babala ang publiko rito dahil sa totoong buhay, napakalaki at napakalinaw ng mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas na ito,” ani Tulfo.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang naturang pagsusuri ay matagal na niyang isinusulong bago pa man siya pumasok sa gobyerno.

“Bago pa man ako maging senador, nasaksihan ko na ang mabigat na reyalidad ng batas na ito. Sa loob ng maraming taon, dinadagsa ang programa ko ng mga pamil­yang nawalan ng pag-asa matapos mabiktima ng mga menor-de-edad, dahil na rin sa kawalan ng pangil ng pagpapatupad ng Juvenile Law,” ani Tulfo.

Matatandaang noong 2019, hayagang pinuna ni Tulfo ang pagpapatupad ng naturang batas, partikular ang kakulangan sa pondo para sa pagpapatayo ng mga Bahay Pag-asa centers, at kinuwestiyon ang pagi­ging ­epektibo ng kasalukuyang edad ng criminal liability.

Lalo pang tumibay ang paninindigang ito nang maging Kalihim siya ng DSWD, kung saan personal niyang nasaksihan ang problema sa sistema.

Ngayong nasa Senado na, gagamitin ni Tulfo ang mandato ng kanyang komite upang isaayos ito at tututukan ng komite ang kakulangan ng mga functional na pasilidad ng Bahay Pag-asa, ang epekto ng mga intervention programs para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) at Children at Risk (CAR), at ang pagpapatupad ng mahigpit na pananagutan sa mga magulang

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with