^

PSN Palaro

Alex posibleng makalaban si Serena

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alex posibleng makalaban si Serena
Alex Eala.
AFP

MANILA, Philippines —  Matapos makipagtambal kay Venus Williams, posibleng ma­kalaban naman ni Alex Eala ang utol nitong si Serena Williams sa Wimbledon sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.

Magiging mahirap para kay Eala ang inaasam niyang Grand Slam breakthrough dahil sa bigat ng mga kalaban.

Si Serena ay dating World No. 1 at 23-time Grand Slam champion.

Kung mananalo si Eala sa first round makaharap nito si Serena na nabigyan ng wildcard entry.

Makakasagupa ni Williams sa opening round si Maja Joint ng Australia.

Huling naglaro si Williams sa professional tennis noon pang 2022.

Unang makakalaban ng  21-anyos Pinay netter si Renata Zarazua ng Mexico sa opening round ng natu­rang Grand Slam event.

Si Zarazua ay dating doubles partner ni Eala sa 2025 French Open kung saan nakaabot ang dalawa sa second round.

Sa singles, nagtagpo na rin sina Eala at Zarazua noong 2024 sa quarterfinals ng ITF USA na napanalunan ng Mexican netter.

Nagbalik si Williams sa aksiyon sa doubles event ng HSBC Championships at Berlin Open.

Kitang-kita sa mga laro nito sa doubles na nananatili ang matikas na porma nito kaya’t inaabangan na ng lahat ang pagsabak nito sa singles.

Nauna nang nakapares ni Eala si Venus Williams sa doubles ng Bad Homburg Open sa Germany.

Nakaabot sina Eala at Venus sa quarterfinals ngunit natalo ang dalawa kina Ereza Mihalikova ng Slovakia at Olivia Nicholls ng Great Britain, 3-6, 2-6.

Makakasama naman ni Eala sa doubles si Nikola Bartunkova ng Czech  Republic.

Unang makakaharap nina Eala at Bartunkova sina Jelena Ostapenko ng Latvia at Sofia Kenin ng Amerika sa first round.

Si Bartunkova ang tina­lo ni Eala sa finals ng Birmingham Open para makuha ng Pinay netter ang kanyang unang korona sa season na ito.

ALEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with