Mike Defensor kinasuhan ng qualified human trafficking ng NBI

MANILA, Philippines — Isinampa na kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasig Prosecutor’s Office ang reklamong qualified human trafficking laban kay dating Rep. Mike Defensor kaugnay sa pagsagip sa 54 kababaihan sa Chicago KTV at Bleu Hotel na gamit umano sa sexual exploitation, sa Pasig City noong Apbril 21, 2026.
Nag-ugat ang pagdawit kay Defensor matapos matukoy na koneksyon siya sa KTV bar at hotel, na naging dahilan sa pagsalakay at pagsasampa ng mga kaso sa 16 na indibidwal kabilang ang maybahay na si Julie at anak na si Michaela.
Alas-2:00 ng hapon nang isumite sa prosecutor’s office ang reklamo na isang non-bailable offense.
Noong Miyerkules nang ianunsyo ni NBI Director Melvin Matibag ang plano na isasampa na ang reklamo laban sa dating mambabatas.
Isa sa sinilip ang pagpayag ni Defensor ang secret access na binagong istruktura ng gusali ng Bleu Hotel.
- Latest

















