Ex-Kagawad itinumba sa harap ng bahay
HERMOSA, Bataan, Philippines — Patay ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 26.
Batay sa paunang impormasyon, sakay umano ng isang van ang suspek nang dumating sa lugar bago pinagbabaril ang biktimang nakilalang si Norman Dalit sa harap mismo ng kanyang bahay.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin.
Kinumpirma ni Bataan Police Provincial Director Col. Marites Salvadora ang insidente at sinabi nitong nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pagpatay, makilala ang suspek, at maberipika ang lahat ng pangyayari na may kaugnayan sa krimen.
- Latest




















