^

Police Metro

Social media platforms, panagutin sa bayolenteng post

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na papanagutin ang mga social media platforms na hindi umaksyon at nag-report sa cybercrime authorities at pulisya ng mga posts na nagpapakita ng karahasan at nakakaalarmang asal.

Inihalimbawa ni Ordanes ang mga social media posts ng dalawang menor-de-edad na suspek bago nila isinagawa ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng higit  20 estudyante.

Ginawa ng solon ang pahayag bilang reaksiyon matapos na mabatid na adik sa GoreBox ang 14-anyos na suspect na pinaniniwalaang naimpluwensyahan ng nasabing social media platform sa mga bayolenteng insidente tulad ng paggamit ng armas.

Hiniling din ni Ordanes sa DICT at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) na gawin ang nararapat na hakbang hinggil sa social media ng mga menor-de-edad na suspek sa magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa loob ng dalawang paaralan sa Cavite.

Binigyang diin ni Ordanes na ang lahat ng biktima at ng kanilang pamilya ay kailangan ng tunay na hustisya.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with