^

Police Metro

Driver, timbog sa P6.8 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang driver matapos na mahulihan ng nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Lans,’ 36, residente ng Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-4:25 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Rizal Avenue, kanto ng Bustos St., Sta. Cruz sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unity (SDEU) ng Meisic Police Station 11 (PS-11).

Bago ito ay nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t ikinasa ang buy-bust operation na ikinaaresto nito.

Nasamsam ang nasa isang kilo at limang gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,834,000, gayundin ng P1,000 genuine na buy-bust money at limang pirasong counterfeit na P1,000 bills, na ginamit na boodle money.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with