Jaja Santiago papalo sa Amerika

MANILA, Philippines — Hindi naitago ni former Philippine women’s national volleyball team Jaja Santiago ang kanyang saya dahil maglalaro ito sa Amerika.
Matapos ipakita ang kanyang talento sa Japan ay sa Amerika naman ito papalo ng bola.
Si Santiago na ang Japanese name ay Sachi Minowa ay pumirma na ng kontrata sa League One Volleyball (LOVB) sa US at inanunsyo na ito kahapon.
“Adding a new country to our list: the Philippines! Welcome, Sachi “Jaja” Minowa!!” pahayag ng LOVB sa kanilang Instagram. “Jaja is a talented middle blocker who is a Japanese SV.League Champion with multiple Best spiker and Best blocker awards! Welcome, Jaja!”
Huling naglaro ang 30-anyos middle blocker sa Pilipinas noong 2021, nang bitbitin nito ang Chery Tiggo sa finals at sikwatin ang korona.
Naglaro rin si Santiago sa Japan, kinuha siya ng Saitama Ageo Medics at Osaka Marvelous bago humataw ng bola sa Denso Airybees para sa 2025-26 season. At ngayon ay masisilayan ang tikas ni Santiago sa US.
“It’s finally out, and I’m beyond excited to announce that I’m joining LOVB!” sabi ni Santiago sa kanyang Instagram story. “Grateful for the privilege and can’t wait to evolve alongside world-class players. See you in the US!”
- Latest





















