^

PSN Palaro

Gilas naghahanda sa pisikalang laban sa qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ng Gilas Pilipinas ang game plan nito para sa dalawang ma­tinding laban na haharapin nito sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Unang makakalaban ng Gilas ang New Zealand sa Hulyo 3 sa Auckland kasunod ang Australia sa Hulyo 6 sa Perth.

Aminado si naturalized player Justin Brownlee na muling haharap sa matin­ding pagsubok ang Gilas laban sa mas matatangkad na players ng New Zealand.

Inaasahan na rin ng Pinoy cagers na magiging pisikalan ang laban nito kontra sa Kiwis.

Ngunit para kay Brownlee, handa ang kanilang tropa na makipagsabayan.

“We know they’re a physical team, so we just try to match that, understand and play through and just be aggressive,” ani Brownlee.

Inilabas na ng New Zea­land ang lineup nito para sa qualifiers.

Halos pareho ang mga players ni Tall Blacks head coach Judd Flavell sa mga naglaro noong Pebrero kung saan tinalo nito ang Gilas sa iskor na 69-66.

Nangunguna sa lista­han sina Sam Mennenga, Carlin Davison, Taylor Britt, Taine Murray, Jordan Ngatai, Reuben Te Rangi, Tohi Smith-Milner at Sam Timmins.

Kasama rin sa Tall Blacks sina Shea Ili, Tai Webster at Sam Waardenburg para mas lalo pang maging solido ang kanilang tropa kontra sa Gilas.

Malaking kawalan naman para sa Pinoy squad sina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown habang wala rin si Scottie Thompson na nagpapagaling sa hamstring injury. Kaya naman umaasa si Cone na mapupunan ito ng iba pang mi­yembro ng Gilas.

Pasok sa lineup sina Mike Phillips at Justine Baltazar gayundin si Juan Gomez De Liaño na papalit naman kay Thompson.

FIBA

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with